Showing posts with label ROTC. Show all posts
Showing posts with label ROTC. Show all posts

Monday, August 23, 2010

Balik-tanaw sa muling binubuhay na patay: Kasaysayan ng ROTC sa bansa

By Darius Galang

Isang bangkay ng binatang lalaki ang natagpuang lulutang-lutang sa Pasig River noong Marso 18, 2001. Balot na nga ang kanyang katawan ng isang karpet, binalutan pa ng packing tape ang kanyang mukha. Nakagapos pa ang kanyang mga paa at kamay.

Ang binata ay si Mark Welson Chua, isang estudyante ng University of Sto. Tomas. Ayon sa mga imbestigasyon, biktima si Mark ng pamamaslang matapos isiwalat niya sa pahayagang pangkampus na The Varsitarian ang mga anomalya at pangungurakot sa loob ng programang Reserved Officers Training Corps (ROTC) sa kanyang pamantasan.

Monday, August 9, 2010

Pagbabalik ng ROTC haharangin ng kabataan

Pagbabalik ng ROTC haharangin ng kabataan
Darius Galang, Pinoy Weekly

Tinututulan ng iba’t ibang grupo ng kabataan, maging ng kabataang kinatawan sa Kamara, ang panukala sa Kamara na ibalik ang Reserved Officers’ Training Corps (ROTC) sa mga estudyante sa kolehiyo.

“Tinuturuan ng ROTC na magbulag-bulagan at walang-imik ang mga estudyante. Ginagamit pa ng AFP ang programa sa red-baiting laban sa progresibong mga grupong pang-estudyante, sa pamamagitan ng mga lektura nila sa ROTC na ang mga aktibistang grupo na ito ay may-ugnay sa rebeldeng New People’s Army,” ayon kay Kabataan Party-list Rep. Raymond Palatino.

Iminungkahi ni Cebu Rep. Eduardo Gullas sa Kamara na ibalik ang mandatory na (ROTC) at lusawin ang National Service Training Program (NSTP) para sa mga mag-aaral ng mga kolehiyo at unibersidad. Bahagi raw kasi ng programa ng ROTC, na pinamumunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagtuturo ng patriyotismo sa mga kabataan.

Pageviews