The role of the progressive party list bloc in the 15th Congress
Privilege speech delivered by
Bayan Muna Rep. Teddy Casiño
August 3, 2010
Mr. Speaker, my distinguished colleagues.
At the opening session of the 15th Congress last week, Bayan Muna and the other partylist organizations comprising the progressive party list bloc – Gabriela Women's Party, Anakpawis, Kabataan, and Act Teachers Party – voted with the majority in electing Congressman Feliciano Belmonte as Speaker of the House.
Marami ho ang nagtatanong. Ngayong nasa mayorya kami, kami ba daw ay mananahimik na? Pipigilan ba daw namin ang sarili sa pag-kwestyon sa mga disisyon at legislative agenda ng administrasyon at ng liderato ng Kamara? Magbabago na daw ba ang aming papel bilang mga kritiko ng status quo at ng gobyernong nagtataguyod nito?
Mr. Speaker, ang mga tanong na ito'y nagpapakita ng kalituhan sa papel ng mga progresibong kinatawan ng party list sa Kamara. Nakadagdag ang nakaraang eleksyon sa kalituhang ito. Ang pag-domina ng mga party list group na sinuportahan ng mga makapangyarihang political dynasty at malalaking interes sa negosyo ay nagsasalaula sa sistema ng party list at nagbibigay duda sa kakayanan nitong kumatawan sa mga dehado at walang boses sa Kongreso.