Pagbabalik ng ROTC haharangin ng kabataan
Darius Galang, Pinoy Weekly
Tinututulan ng iba’t ibang grupo ng kabataan, maging ng kabataang kinatawan sa Kamara, ang panukala sa Kamara na ibalik ang Reserved Officers’ Training Corps (ROTC) sa mga estudyante sa kolehiyo.
“Tinuturuan ng ROTC na magbulag-bulagan at walang-imik ang mga estudyante. Ginagamit pa ng AFP ang programa sa red-baiting laban sa progresibong mga grupong pang-estudyante, sa pamamagitan ng mga lektura nila sa ROTC na ang mga aktibistang grupo na ito ay may-ugnay sa rebeldeng New People’s Army,” ayon kay Kabataan Party-list Rep. Raymond Palatino.
Iminungkahi ni Cebu Rep. Eduardo Gullas sa Kamara na ibalik ang mandatory na (ROTC) at lusawin ang National Service Training Program (NSTP) para sa mga mag-aaral ng mga kolehiyo at unibersidad. Bahagi raw kasi ng programa ng ROTC, na pinamumunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagtuturo ng patriyotismo sa mga kabataan.
Sinusugan ni Sek. Voltair Gazmin ng Department of National Defense ang panukala sa Kamara, dahil maibabalik daw ang disiplino at pagmamahal sa bayan ng mga kabataang Pilipino kung ibabalik ang ROTC.
Ngunit sinabi ni Palatino na maliban sa mapanupil na kulturang itinatanim ng ROTC sa mga estudyante, nagsisilbi rin ito para sa paniniktik sa kabataang mga aktibista sa iba’t ibang unibersidad. Sinabi ni Palatino na dati nilang naidokumento ang paniniktik ng mga estudyanteng opisyal ng ROTC sa militanteng mga organisasyon, at pagtatag ng mga student intelligence network sa mga kampus.
Noon pang 2006, nagpalaganap ang mga ito ng mga polyeto na pinipigilan ang mga estudyante na tutulan ang noo’y isinusulong na 300% tuition hike sa Unibersidad ng Pilipinas, at inaakusahan ang mga lider ng mga protesta na “tagarekluta ng NPA.”
Napaulat na nangyari rin ang kahalintulad na insidente noong 2007 sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, at, nitong taon lang, sa Unibersidad ng Pilipinas-Los Baños nang nanawagan ang walkout ang mga lider-estudyante.
Ayon naman kay Anton Dulce, pangalawang tagapangulo ng Anakbayan, “Sa pagbabalik ng mga protesta sa kampus laban sa pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin, kasama pa ang di-makatarungang polisiya ng administrasyon ng mga paaralan, natatakot kami na ang mandatory ROTC ay gagamitin bilang kasangkapan laban sa mga mag-aaral na lumalaban para sa kanilang mga karapatan.”
Kasama sa isinususog na dagdag sa programa ng ROTC ang pagtutuon ng pansin sa serbisyong pangkomunidad at pagtugon sa mga kalamidad at sakuna.
Ngunit para kay Terry Ridon, tagapangulo ng League of Filipino Students (LFS), “Ang mga diumano’y mabubuting intensiyon na ito ng AFP ay isinasagawa na ngayon ng citizen-driven na mga komponent ng NSTP tulad ng Literacy Training Service at Community Welfare Training Service, at epektibo naman ang pagsasagawa nito sa implementasyon ng batas ulok sa NSTP. Ang balakin ng AFP ay nauuwi lamang sa pagpapaulit ng programa. (program redundancy).”
Dagdag pa niya na sa halos isang dekadang pagsasagawa ng NSTP ay binigyan nito ng laya ang mga mag-aaral na pumili para sa kanilang sarili ng programang maghahasa sa kanila at magbigay ng serbisyong pampubliko. “If it ain’t broke, why fix it?” sambit pa ni Dulce.
Mariin na tinututulan ni Palatino ang programang pagbabalik ng ROTC sa mga paaralan, at isinasaad niya na walang puwang ang puwersang-militar sa mga paaralan.
“Dahil sa madugo at malagim na rekord nila sa karapatang-pantao, walang karapatan ang AFP sa pang-akademikong pakikisali ng ating kabataan. Ang isang warmongering at mersenaryong institusyon ay hindi dapat hayaang makapasok sa mga paaralan at magturo sa mga mag-aaral,” ani Palatino, na nangakong lalabanan ang pagpapasa ng panukalang-batas sa Kamara.
Sa ulat ng alyansang pangkarapatang pantaong Karapatan, umabot sa 23 biktima sa mahigit 1,000 kaso ng ekstrahudisyal na pamamaslang sa ilalim ng pamahalaang Arroyo ay mula sa mga grupong kabataan tulad ng Anakbayan, ang League of Filipino Students, at Kabataan Partylist.
Tatlong miyembro pa ng Anakbayan ang kasama sa mahigit 300 kaso ng enforced disappearances sa ilalim ni Arroyo.
“Ang isang institusyong nabahiran ng dugo ng maraming kabataan ay hindi dapat na palapitin lomampung metro sa kahit anong kampus. Hindi pa ba sila kuntento sa kanilang pagpaslang at pagdukot sa karamihan ng ating kasamang lider-kabataan?”dugtong ni Dulce.
Nawala sa kurikulum ang ROTC noong 2001 bunsod ng malawakang protesta ng mga kabataan at mga biktima ng panggigipit at napaulat na pangingikil sa mga paaralan. Ang pagkamatay ni ROTC cadet at mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas na si Mark Chua bunsod sa ROTC “hazing” ang lalo pang nagpatingkad sa isyu ng ROTC sa kabataan.
[update Agosto 7, 2010]
Naglunsad na ng petition signing campaign ang mga grupong pangkabataan upang humiling sa mga estudyante, magulang at mga guro na tutulan ang panunumbalik ng ROTC sa mga pamantasan.
Samantala, nananawagan ang Kabataan Party-list kay Pang. Benigno Aquino III na basagin ang kanyang pananahimik ukol sa isyu ng panunumbalik ng nasabing programa.
Nakapagsalita na ang kabataan ngunit ang tindig ni Aquino sa isyu ng mandatory ROTC ay hindi marinig saan man. “Talagang nakakabingi ang kanyang pananahimik,” dugtong ni Palatino.
Ayon kay DND Spokesperson Eduardo Batac, ang naturang panunumbalik ng programa ay tutugon sa suliranin ng AFP’s sa kakulangan ng tauhan bukod sa kanilang “kakarampot na badyet.”
Bagay na ikinadismaya ng nakababatang kongresista. “Una, ang pagmomodernisa ng AFP sa pamamagitan ng public-private partnerships. Ngayon ito naman. Maguumpisa silang bumuhay ng batalyones ng laruang sundalo mula sa abo para sa ikabubuhay ng isang insitusyong militar,” pagtatapos ni Palatino.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Tags
Filipino
Philippines
Pinoy
PNoy
government
Aquino
Noynoy
economy
politics
youth
president
Congress
corruption
Arroyo
change
education
labor
volunteer
GMA
health
student
QC
Senate
speech
union
fund
world
Kabataan
activist
global
AFP
doctor
farmer
service
teacher
Casiño
Hacienda Luisita
PGH
SONA
UN
journalist
scandal
website
ABS-CBN
Alex
Anakpawis
Bayan Muna
Bello
Cojuanco
GSIS
IAM
Marcos
PAL
ROTC
Tan
US
climate
foreign affairs
gender
poet
surgeon
tax
Akbayan
Belmonte
Binay
Cayetano
China
Korea
LRT
Legarda
MRT
OPM
SK
San Francisco
UMID
UNESCO
UP
VAT
VP
drugs
dual citizen
juan
megi
music
news
oldest
storm
typhoon
No comments:
Post a Comment