Bukas na ang Interactive Website ng Pangulo sa Taong-bayan
Binuksan na ng Malakanyang ang isang bagong interactive website na magbibigay ng pagka-kataon sa taong bayan na malaman ang official events ng Pangulong Benigno S. Aquino III at upang magsilbi ring makabuluhang feedback mechanism na gamit ang digital media.
Inilunsad ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio “Sonny” Coloma ang opisyal na website ng Palasyo na “www.president.gov.ph” sa media briefing sa Malakanyang noong Lunes, ika-16 ng Agosto.
Sa paglulunsad na ito, sinabi ni Coloma na ang Phase I ng bagong media communications ng Malakanyang ay nagtatampok ng tatlong mahalagang pahayag: “Piliin Natin ang Daang Matuwid; “Kayo ang BOSS Ko,” at “Iba na tayo ngayon BAGONG Pilipinas.
Ayon kay Coloma, ang unang pahayag ay kumakatawan sa pangako ng sambayanan na susundin ang bagong daang itinakda ng Pangulo, samantalang ang ikalawa naman ay naglala-rawan ng pansariling pangako ng Pangulo na kanyang inihayag sa kauna-unahan niyang Ulat sa Bayan o SONA noong Hulyo 26.
Ang ikatlong pahayag na “Iba na tayo ngayon, Bagong Piliipinas” ang kumakatawan sa pangako ng pambansang liderato tungo sa pagbabalik ng tiwala sa gobyerno, pagsugpo sa katiwalian at pagpasok sa isang bagong panahon ng isang bagong kultura ng pamamahala.
Bukod sa matutunghayang mga pinakabagong balita, larawan at video releases, sinabi ni Coloma na maaari ring ihayag ng taong bayan ang kanilang kuru-kuro at hinakdal sa tulong ng social media links na gaya ng Facebook, Twitter, YouTube, Friendster at Multiply na madaling masasagot o magagawaan ng karampatang hakbang ng kinauukulang mga ahensiya ng gobyerno.
Idinagdag ni Coloma na ang Phase II ay sa Oktubre ng taong ito bubuksan at ito ay ang Citizen’s Concern Website na para naman sa messaging, electronic mail (email), telepono at Snail Mail para magkaroon ng iba’t-ibang paraan ang publiko sa pakikipag-ugnayan sa pamahalaan.
Idinagdag ni Coloma na ang Phase II ay magiging isang malawakang pag-alam ng damda-ming bayan, pagsusuri sa hinaing at mga isyu at maging pagsubaybay sa ginagawang hakbang ng iba-ibang tanggapan at ahensiya ng pamahalaan.
Hiningan pa ng tulong ni Coloma ang mga kompanya ng telekomunikasyon (TelCos) bilang bahagi ng kanilang saguting panlipunan ukol sa higit na makatuwirang halaga sa paggamit nito upang higit na maraming mamamayan ang mahimok makiisa sa feedback mechanism na gaya ng SMS o text messaging.
Ang Phase III naman, ayon kay Coloma, ay sa Enero 2011 pa bubuksan at siyang magpapa-tupad ng e-serbisyo na digitally-enabled frontline services na ginagawa sa iba-ibang transak-siyon ng gobyerno upang madaling makakuha ang taong bayan ng clearances, sertipiko, pasaporte at iba pang kauri nitong mga bagay.
Ang Digital Volunteerism ay makabayang grupo o digitally empowered advocates.
Umaasa ang Kalihim na sa Phase III ay maaaring magrehistro at makiisa ang mga volunteer groups sa website upang makita ang kaibahan ng karaniwang grupong boluntaryo at digital volunteers groups.
Idinagdag ni Coloma na sa ika-2 SONA ng Pangulo sa Hulyo 2011, maibubukas na sa publiko ang Phase IV o Open Government portal kung saan ang taong bayan ay maaaring tumingin at umalam kung ano na ang nagawa ng gobyerno at kung ano pa ang ginagawa ng bawa’t kaga-waran na gaya ng paglalabas ng badyet, ilang porsiyento na ang tapos ng mga proyekto at mga programa at iba pang bagay na ibubukas sa madla para matiyak na nasa ayos ang lahat ng transaksiyon ng pamahalaan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Tags
Filipino
Philippines
Pinoy
PNoy
government
Aquino
Noynoy
economy
politics
youth
president
Congress
corruption
Arroyo
change
education
labor
volunteer
GMA
health
student
QC
Senate
speech
union
fund
world
Kabataan
activist
global
AFP
doctor
farmer
service
teacher
CasiƱo
Hacienda Luisita
PGH
SONA
UN
journalist
scandal
website
ABS-CBN
Alex
Anakpawis
Bayan Muna
Bello
Cojuanco
GSIS
IAM
Marcos
PAL
ROTC
Tan
US
climate
foreign affairs
gender
poet
surgeon
tax
Akbayan
Belmonte
Binay
Cayetano
China
Korea
LRT
Legarda
MRT
OPM
SK
San Francisco
UMID
UNESCO
UP
VAT
VP
drugs
dual citizen
juan
megi
music
news
oldest
storm
typhoon
No comments:
Post a Comment