Pagtutol sa taas-pasahe sa MRT, LRT, lumalakas
Patuloy na lumalakas ang pagtutol ng iba’t ibang sektor sa pagtaas ng pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).
Kaninang umaga, nagpiket sa estasyon ng MRT sa North Avenue ang mga manggagawa ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at nagpapirma sa mga biyahero ng isang petisyon laban sa posibleng taas-pasahe.
Ayon kay Lito Ustarez, executive vice-chairperson ng KMU, mga bangko at pribadong kompanya lamang ang makikinabang sa taas-pasahe. Nanawagan siya sa gobyernong Aquino na muling makipagnegosasyon sa mga ito sa halip na ipasa sa mga biyahero ang mga sinasabing pagkalugi.
“Pumasok ang gobyerno sa makaisang-panig na kasunduan sa mga bangko at pribadong kumpanya para gawin at patakbuhin ang MRT at LRT… Iyan ang pangunahing dahilan kung bakit inililipat sa mga mamamayan ngayon ang pasanin ng pagpapatakbo sa mga tren sa pamamagitan ng dagdag-pasahe,”ani Ustarez.
Samantala, nagtayo ang mga kabataan ng isang Facebook page laban sa taas-pasahe sa MRT at LRT, na ngayo’y may mahigit 700 na kasapi. Naging daluyan ang pahinang ito ng sentimiyento ng iba’t ibang Pilipino sa isyu.
“Have you seen the lines? Pila pila pila, sa Cubao, sa Taft, ang ganda ng serbisyo niyo tapos magtataas ng pasahe?” sabi ng Facebook user na si Ayban Gabriel Dotayot.
Ayon naman sa Facebook user na si Norma Ranjo, “Maniniwala akong lugi sila kung hindi siksikan ang sakay nila. Kung tamang-tama lang ang pasahero nasitting capacity. Pero sa ginagawa nila araw-araw na siksik na siksik…malulugi ba sila doon? kung itaas nila ang pamasahe…magtaas muna ng sahod…hindi lang P22. Kulang pa yan sa pamasahe araw-araw.”
Reposted article from: Pagtutol sa taas-pasahe sa MRT, LRT, lumalakas
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Tags
Filipino
Philippines
Pinoy
PNoy
government
Aquino
Noynoy
economy
politics
youth
president
Congress
corruption
Arroyo
change
education
labor
volunteer
GMA
health
student
QC
Senate
speech
union
fund
world
Kabataan
activist
global
AFP
doctor
farmer
service
teacher
Casiño
Hacienda Luisita
PGH
SONA
UN
journalist
scandal
website
ABS-CBN
Alex
Anakpawis
Bayan Muna
Bello
Cojuanco
GSIS
IAM
Marcos
PAL
ROTC
Tan
US
climate
foreign affairs
gender
poet
surgeon
tax
Akbayan
Belmonte
Binay
Cayetano
China
Korea
LRT
Legarda
MRT
OPM
SK
San Francisco
UMID
UNESCO
UP
VAT
VP
drugs
dual citizen
juan
megi
music
news
oldest
storm
typhoon
No comments:
Post a Comment